Sulong Kababaihan

Sulong, sulong, kababaihan
Sumulong at lumaban
Buuin natin ang samahan
Ng makabayang kababaihan

Lumahok sa produksyon
At pangmasang kilusan
Sa pagtatamo ng tunay
Na demokrasya at kalayaan

KORO

Iwaksi ang haka-hakang
Kababaiha’y mahina
Mayroon tayong isip at lakas
Tulad ng ating kapwa

Nakararaming kababaihan
Nabibilang sa mga nilikha
May mga intelektwal
Magsasaka at manggagawa.

II

Sulong, sulong kababaihan
Sumulong at lumaban
Harapin ang nagsasamantalang
Nang-aapi sa sambayanan

Kapit-bisig nating wasakin
Kapangyarihan ng gahaman
Kababaihan ay lalaya
Sa paglaya ng bayan.

(ulitin Koro at II).

Kababaihan ay lalaya
Sa paglaya ng bayan

By wsrc philippines Posted in Songs