Image

BABAE

Kayo ba ang mga Maria Clara
Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban
Kaapihaý bakit iniluluha
Mga babae, kayo baý sadyang mahina?

II
Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalaki ang tanging pag-asa
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ay pagpuputa
Mga babae, kayo baý sadyang pangkama?

KORO
Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping tayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

III
Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa
Sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

IV
Bakit ba mayroong mga Liza,
Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
At ngayo’y marami nang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya

( Ulitin ang Koro, III & IV)

Mga babae, ang mithiin ay lumaya!!!

Image

Ang Pagiging Babae

Ang pagiging babae sa lipunang malupit
Ay puno ng hirap at sakit
Ang pagsasalita ay pag-aanyaya
Sa dahas na laging nakaamba
Hinagpis ay hindi maipakita

Ang babae at bayan ay laging nagdurusa
Sa bangis ng pagsasamantala
Sa malalim na sugat ng pandarahas
Ay buhay ang katarungang hangad
Na ang maapi ay hindi na muli

Ang paghuhulagpos ay mayroong panahon
Ang panahon na iyon ay ngayon
Kasama ng bayan na magpupunyagi
Ang babae sa paglayang mithi

Ang pagiging babae ay pagiging mulat
Sa hindi pantay na pagtingin
Ang hindi pagkibo ay pag-aanyaya
Sa higit pang dahas at banta
Lakas natin ay ipakita

Ang paghuhulagpos ay mayroong panahon
Ang panahon na iyon ay ngayon
Kasama ng bayan na magpupunyagi
Ang babae sa paglayang mithi
Ang babae sa paglayang mithi

Image

Base Militar by Inang Laya

Base militar, armas na nukleyar,
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.
Base militar, armas na nukleyar-
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Animnapu’t limang libong hektarya
Binakuran at inangkin ng banyaga-
Sa Angeles at sa Gapo,
Base militar ng mga Kano

Mga base militar ay tiyak na tambakan
Ng armas nukleyar na walang pakinabang-
Ito ay daungan ng armadong sasakyan
Dumarating nang lingid sa ating kaalaman!

Base militar, armas na nukleyar,
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.
Base militar, armas na nukleyar-
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Pampalipas-libog ng mga sundalo,
Pagbibigay-hilig sa kanilang mga bisyo,
Manikang buhay na nilalaro-
Libangan lamang ng mga Kano

Sa base militar ay walang katarungan:
Banyaga’y hari sa ating bayan
Baboy-damo ang trato sa tao,
At walang karapatan ang mga Pilipino!

Base militar, armas na nukleyar,
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.
Base militar, armas na nukleyar-
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.

Aksidenteng nukleyar, o digmaan ng Kano,
Tiyak na kasangkot ang Pilipino.
Pinsala’t dusa’t kapahamakan
Mga base militar ang pagmumulan

Mga base militar ay lantarang katibayan
Ng ating huwad na kalayaan-
Ng kawalaan ng tunay na kapangyarihan,
At paglapastangan ng ating kasarinlan!

Base militar, armas na nukleyar,
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan.
Base militar, armas na nukleyar-
Ito’y kahibangan na dapat hadlangan…
Hadlangan…
Hadlangan…!
Hadlangan!

Image

“Babae” By Inang Laya

Kayo ba ang mga Maria Clara
Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban?
Kaapiha’y bakit iniluluha?
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalake, ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ay pagpapuputa?
Mga babae, kayo ba’y sadyang pang-kama?

Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan,
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa?
Sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.

Bakit ba mayrong mga Lisa
Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
At ngayo’y marami nang kasama?
Mga babae, ang mithiin ay lumaya!